PSME Philippine Society of Mechanical Engineers

Inutil na nga ba ang PSME, maraming nagsasabi wala na daw kwenta, mga nasa posisyon lang o mga officers lang ang mga nakikinabang sa PSME. Bagong graduate si Manoy pinag-member sa PSME tapos magbayad, wala nang narinig sa sa organisasyon kuno na gagabay sa mga ME sa Pinas.

Sana naman maayos ang ganitong pananaw ng iba sa PSME. Sa ngayon magulo po sa loob mismo ng PSME mga opisyal kasi dito nag-aagawan sa pamumuno.

Gaya ng nararanasan naming ME ngayon 95% marahil di active member sa organisasyong ito. Walang pakinabang ang PSME kundi umasa sa pondo ng mga ME, na dapat ngagamit sa wastong paglilinang ng kaalaman sa mga ME dito sa Pilipinas. Nakakatawa nga kasi mga ME dito active member sa ASME, SAE, at iba pang organisasyon na ang mga officers ay mga foreigners. Kasi dito sila nakakakuha ng kadagdagang kaalaman para sa ikalilinang ng kanilang nalalaman. Mas mahal ang membership sa mga nabanggit na organisasyon ngunit sulit naman dahil well-informed ang mga members nito sa mga activities na magaganap. Balik tayo sa Pinas sa huling convention ng ME nilangaw, dahil na rin sa pagkukulang ng PSME. Mabuhay ang mga ME sa Pinas, sige bumuo na kayo ng new ME organization para tumulong sa mga ME, siguraduhing niyo lang na makakatulong kayo. Tsaka mabigyan niyo ng gabay ang mga newly graduates na ME at huwag lang laging mangolekta ng membership fee ang aatupagin niyo ha.

Marami po tayong mga Design Engineers na ME na ang ginagamit ay standard ng ibang bansa, dahil ang sinasabi nila outdated na daw ang PSME code of the Philippines.
Marami na ring mga forum sa net na dismayado sa PSME.

Bilang konklusyon sana mabigyan ng pansin ng mga namumuno sa PSME kung paano nila bigyang sigla muli ang oraganisasyong ito. Tawagin sana nila lahat ng ME para makiisa sa kanila, dahil ito lang ang kinikilalang organisasyon ng mga ME sa Pinas at inaasahang gagabay sa mga ME. Ang mga ME ang umaasa sa PSME, hindi dapat mga PSME officers ang umaasa sa mga ME.

Advertisement

20 Responses to PSME Philippine Society of Mechanical Engineers

  1. hindi naman siguro lahat. Last June 13, 2008, the PSME Negros Occidental chapter celebrated the PSME weeek together with the JPSME Negros Chapter also.

  2. ok good for PSME Negros Chapter , hope this will continue.

  3. Until now my PSME ID not yet available. We pay 700.00 for this but where it is now? Hope you can provide by emailing in our home address..

  4. http://handbooks.blogspot.com

    guys i want to share my site for handbooks in engineering specially for mechanical engineers professionals and students you can also search for books or request a books in pdf only international books are available no local books here, thanks

  5. Compulsory na nga ba ang pagbabayad ng 2,100 pesos for membership (good for 3 years)? Hindi nman sa nagrereklamo ako pero saan napupunta ang collections? Parang pera-pera na lng ang PSME. Last week nag renew ako ng PRC license ko, at sabi ng PRC kailangan daw ng Certificate of Good Conduct from PSME.Hindi ka nman bigyan Certificate kung di ka member. So, obligado ka na mag member. Ibig sabihin pala nito every 3 years na mag renew ako e magbabayad pa ako ng 2,100 Pesos sa PSME plus 450 Pesos sa PRC?E wala nman akong napapala sa PSME a. Dati akong regular member, pero ni isang newsletter man lng wala akong na-receive. Any officers from Manila Chapter , I’ m waiting for your reply.

  6. bakit kailangan magpamember sa psme para makapagrenew ng license? 450 renewal ng license. 2100 sa psme. para lang sa certificate of good conduct. wala naman kwenta. dapat hindi gawing requirement ito since hindi naman nakikinabang karamihan dito. saan napupunta ang 2100 na 3 year membership? para sa isang plastic id card?

  7. i went and had my mech eng licensed renewed din, i paid 2100 for the membership. di naman kinuha sa window yung certificate. di naman talaga kailangan pineperahan lang tayong mga mech eng. hirap na ng buhay, pinapahirapan pa tayo lalo. thank you for the nice bday gift saaming kakaexpire lang ang license!

  8. to my co-ME, ur ryt!!! for me PSME means,
    P-usoy
    S-ugal
    M-ajong
    E-nom

  9. pwede nyo po ba akong tulungan? ME student po ako at kelangan ko po ang PSME code, can you send me a pdf file of PSME code?

  10. paki send nlng po sa email add ko. gruppe_sechs692000@yahoo.com

    thanx po

  11. abasura ang PSME buti pa..pahirap at panlalamang lang.

  12. ibasura ang PSME pahirap lang

  13. dpe mgtnung? anu ang standard factor of safety sa planta?

  14. Mauro M. Cocjin

    Thanks fellow MEs for your comments. I share your sentiment. I am a member of PSME and even became a life member but for so many years I became inactive because I lost interest for the same valid reasons as yours. But lately I rejoin hoping to see a DIFFERENCE in the ORGANIZATION. As of now, my observation? Sabi nga … tingnan ang mga susunod na kabanata! Mga kapwa Mechanical Engineers panahon na para tayo makialam! Visit the new PSME website: http://www.psmenow.com at doon tayo mag post ng mga hinanakit natin para agad malaman ng mag namumuno!

  15. Mauro M. Cocjin

    opps correction… http://www.psmenow.org pala

  16. The best for is PSME Support first the organization before its support hndi sapat ang mgpamember lng ang isang ME You should help it the PSME Im just 27 and I never complain for the money that I spend we should be unite rather than make controversy to each other ” Being a member of the PSME is a Privileged not a Rights.”

  17. hi fellow mechanical engineers,

    please allow me to guide all of you who visit this site. I believe that sometimes we are misguided by those who has less concern to our beloved PSME. Visit PSMENOW.org to become well informed as to what PSME is now…..

  18. lowe marc macapagal

    im working abroad ryt now.. nung vacation ko last feb.dna ako nag renew ng licence ko. what for?? hindi ko dinnman nagagamit d2… ni minsan hindi ko isinulat sa CV ko na member ako ng psme. ako n kc mismo nahihiya eh.. kung tanungin ako ng interviewer ko, anu nagawa ng psme sa buhay mo, bka imbes na i hire ako, itapon pa sa basurahan ang CV ko eh. dhil wala akong maisasagot . wala nman naitulong psme skn. ung id ko dun 3years na hindi pa ipinapadala skn.!!

  19. Let us put our selves to make a better solution for this problem.

  20. patunayan natin mga MEng’g na kaya natin makipag sabayan sa ibang field…..imagine….. lahat ng bagay pweding palitan ng high technology, but in ME works,, no one can replace our works and design…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s