Pinoy Tayo

Para sa Mga Pinoy at Pinay

July 26, 2008 · No Comments

Wala na bang pag-asa sa Pinas.
Usad Pagong ang ekonomiya.
Puro walang kabuluhang pagtatalo.
Kapakanan ni Juan, naiwan.

Wala ng magawa ang pinuno, kahit magpapogi.
Ngunit salamin ng kahirapan, sadyang di maitago.
Katotohanan sa gitna ng kasungalingan.
Parang ilaw na nagliliwanag sa gitna ng kadiliman.

Irespeto ang bayan ko.
Igalang ang mamamayan.
Pantay na pagtingin nawa ay maranasan.
Upang buhay maging maginhawa at sagana.

Suko na si Juan, luha ang patunay.
Hinagpis ng kanyang puso, naghihimutok.
Dalangin ni Juan ang Pagbabago.
Ng mga puso ng taong sa trono nakaupo.

Igalang ang bayang biyaya ng langit.
Upang magdulot ito ng kasaganaan sa nilalang.
Mayaman o mahirap dapat may malasakit.
Sa aking bayang iginupo ng karamdaman.

Sa paglipas nitong panahon, ika’y dadatnan din,
Ng huling kabanata nitong magandang buhay.
Walang dala-dala noong sumilang sa mundo,
Tanging buhay na katawan na pinagpala ng Maykapal.

Gamitin ang talino sa likas na kapakinabangan.
Upang itong aking bayan, sumagana at umunlad.
Umahon sa pagkadapa, kaagapay ng mamamayan.
Sa pagharap sa bagong bukas ng tagumpay at kasaganaan.

Takot nawa sa Diyos umiral sa Puso.
Paggalang nawa sa kapwa, mangunguna sa lahat.
Upang umiral sa lahat,
Ang umibig sa Bayan Ko.

Categories: Buhay
Tagged: , , , , , , ,

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment