Pinoy Tayo

Hula sa Earthquake

July 21, 2008 · 1 Comment

Hinulaan nila na magkakalindol dito sa Pilipinas pero di naman natuloy sa July 18, 2008. Alam niyo ba kung ano nangyari, nilindol at niyanig ang mga taong walang matibay na PANANALIG sa panginoon. Hindi naman daw masama kung maniwala sa hula baka nga naman daw magkatotoo. Naku dahil sa paniniwalang ganyan napasama ka na, dahil binigyan mo ng alalahanin ang iyong sarili. Sa halip dapat mong ituon ang iyong isip sa mga bagay na nakakapagdulot ng biyaya sa iyong kapwa at sarili at huwag maniwala sa hula ng mga tao. Dito masusukat kung gaano tayo katatag sa ating pananampalataya. Kung takot tayo sa banta ng iba, mababaw pa ang ang ating pananalig.

Categories: Uncategorized
Tagged: , , , ,

1 response so far ↓

Leave a Comment